Nanawagan ang Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines o ALTODAP sa pamahalaan na i-regulate ang motorcycle taxis sa bansa.
Ayon kay ALTODAP President Boy Vargas, bukod sa nawawala sa kanila ang kalahati ng kanilang kita, isyu rin dito ang lumalalang trapiko at kaligtasan ng mga pasahero dahil marami sa mga motorsiklo ay iligal na namamasada.
Umapela rin ang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tigilan na ang pagdaragdag ng MC taxi operators.
Matatandaang Mayo nang aprubahan ng LTFRB ang apat pang kumpanya para sumali sa limang-taong MC taxi pilot program nito ng kagawaran. - sa panulat ni Laica Cuevas