Ibinabala ng PHIVOLCS na posibleng ma-trigger ng bagyong Pepito ang lahar flow sa mga bulkang Taal, Pinatubo at Mayon.
Ayon sa PHIVOLCS, posibleng mag-generate ng volcanic sediment flow o lahar ang pinangangambahang malakas na pag-ulang dala ng bagyo.
Tinatayang magdadala ng 50 millimeter o hanggang sa mahigit 200 millimeter na pag-ulan ang nasabing weather disturbance sa malaking bahagi ng Luzon kung saan matatagpuan ang mga naturang bulkan. - sa panulat ni Laica Cuevas