Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa publiko kaugnay sa sinasabing ’12 Scams Of Christmas’, na posibleng maging talamak ngayong papalapit na holiday season.
Ito ang mga pekeng online charities, phishing link na isini-send sa pamamagitan ng email o text message, pekeng deliveries, pekeng tech support, at mga pekeng kamag-anak.
Pinag-iingat din ng CICC ang publiko sa mga scammer na nagpapanggap na miyembro ng pamilya, online shopping scam, love scam, pekeng job offers, mga scammer na nagpapaawa online, mga scammer na nagbabantang lumabag ka sa batas, at mga alok na ‘too goood to be true.”
Para maiwasan ang mga ito, maaring tumawag sa DICT hotline na 1326 o mag-report lamang sa DICT e-Gov super app.
Samantala, inilabas din ng ScamWatch ang apat na kontra scam attitudes upang maiwasang mabiktima ng cybercrime.
Sinabi ng grupo na ugaliing magdamot, magduda, mang-isnob, at magsumbong.