Nanawagan si Bagong Alyansang Makabayan President Renato Reyes Jr. sa Kamara na silipin kung may iba pang naganap na human rights violations sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Reyes, bukod sa madugong drug war campaign, dapat ding tingnan ng mga kongresista ang pang-aabuso at pagpatay sa mga aktibistang kritiko ng dating pangulo.
Ginamit aniya ang red-tagging para akusahan ang mga aktibista sa iligal na gawain para bigyang-katwiran ang mga extrajudicial killings, warrant of arrest, at mga gawa-gawang kaso.
Iginiit pa ni Reyes na ang mga testimonya ng dating pangulo sa Quad Committee at Senate Blue Ribbon Committee, kung saan maaring patayin ang mga suspek na ipagpapalagay na mga kriminal, ay isang mabigat na usapin na lumalabag sa karapatang pantao at pag-iral ng batas. - sa panulat ni Laica Cuevas