Naglaan ng 300 milyong piso ang Department of Agriculture para isulong ang paggamit ng drone sa palay production ng Pilipinas.
Ayon kay D.A. National Rice Program Deputy Director Glenn Estrada, target nilang simulan ang drones 4 rice project sa kahit 150,000 na ektarya ng mga palayan sa bansa.
Layon aniya ng proyekto na mabawasan ang gastos sa palay production, pangangailangan sa manual labor, at hikayatin ang kabataan sa pagtatanim.
Iginiit ni Director Estrada na 8,000 pesos lamang ang gagastusin ng isang magsasaka sa paggamit ng drone sa pagtatanim, mas mura kumpara sa karaniwang P12,000 labor cost.