Naghahanda na sina Vice President Sara Duterte at ang ama nitong si dating pangulong Rodrigo Duterte para harapin ang imbestigasyon ng International Criminal Court sa madugong ‘war on drugs’ sa ilalim ng nagdaang administrasyon.
Ayon kay VP Sara, bagama’t hindi sya pormal na bahagi ng icc investigation, naghahanda pa rin siya para rito.
Aminado rin ang bise-presidente na kailangan na maging ‘well-prepared’ ang kaniyang ama dahil siya ang iimbestigahan at isasalang aniya ito sa ‘hot seat’.
Kasalukuyang sinislip na ng ICC ang libo-libong Pilipino, na karamihan ay mahihirap na nasawi sa ilalim ng war on drugs campaign ng Duterte administration.
Matatandaang, sinabi ng dating pangulong, sa House Quad Committee hearing na handa siyang sumuko sa ICC ngunit para sa malakanyang, hindi nito pipigilan ang gustong mangyari ni Duterte. – Sa panulat ni Jeraline Doinog