Kinumpirma ng Commission on Elections na hindi na kailangan pang iparehistro ang mga social media accounts ng mga tagasuporta ng mga kakakandidato para sa 2025 Midterm Elections.
Sa pag-amyenda sa Comelec resolution #11064, tanging ang mga kandidato na lamang ang obligadong magparehistro ng kanilang opisyal na social media account sa poll body.
Bahagi pa rin ang nasabing insiyatiba ng pagsisiguro ng COMELEC na hindi maaabuso ang internet sa pangangampanya at maiwasan ang pagpapakalat ng pekeng impormasyon.
Nagpaalala naman muli ang komisyon na hanggang Disyembre 13 na lamang maaaring magparehistro ng social media accounts ang mga kakandidato.