Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na pinag-uusapan na ng pamahalaan ng Pilipinas at Indonesia ang posibleng paglipat kay Mary Jane Veloso sa bansa, upang dito bunuin ang kanyang sentensya.
Ayon sa DFA, kaisa nila ang sambayanang Pilipino sa panalangin para sa matagumpay na resolusyon sa nasabing isyu, na magbibigay ng hustisya kay Veloso at sa pamilya nito.
Naniniwala naman ang DFA na maisasakatuparan ang kahilingang sa pilipinas na lamang ipiit si Veloso, dahil sa magandang relasyon ng dalawang bansa.
14 na taon nang nakakulong si Veloso sa Indonesia matapos mahulihan ng droga sa airport noong 2010, ngunit iginiit nito na siya’y inosente at ang mga recruiter niya ang naglagay ng droga sa kanyang bagahe.