Isinusulong ng Department of Education ang pagpapatupad ng alternative delivery modes sa pagtuturo sa mga eskwelahang naapektuhan ng magkakasunod na bagyo.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, mas mainam na gumamit ng learning delivery methods upang mas makasabay sa lesson o aralin ang mga estudyante.
Inatasan din ng kalihim ang mga DEPED field office na makipag-ugnayan sa local government units para sa clean-up operations, minor repairs, at sa paglalaan ng temporary learning spaces kung kinakailangan.
Pinagsusumite rin ng kalihim ang mga Regional Field Office ng DEPED ng daily situation reports hinggil sa epekto ng bagyo sa mga paaralan at mga mag-aaral.
Inatasan din ni Angara ang kanilang school disaster risk reduction teams na magsumite ng rapid assessment sa pinsalang idinulot ng bagyo sa mga paaralan gamit ang kanilang radar application o offline template.