Lusot na sa House Committee on Games and Amusement ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Ipinasa ng komite ang House bill no. 10987, kung saan isasama rin dito ang iba pang anti-POGO bills na house bill nos. 5082, 10525, 10636, at 10725.
Maliban sa tuluyang pagbabawal sa mga POGO, layon din ng panukala na magpatupad ng mahigpit na parusa laban sa mga lalabag dito.
Batay sa ulat ng PAGCOR, hanggang nitong November 18, mayroon na lamang dalawamput pitong natitirang pogo sa bansa, na nasa proseso na rin ng pagsasara.
Una nang nag-isyu si Pangulong Ferdinand Marcos jr., ng executive order para tuluyan nang ipagbawal ang mga POGO sa bansa.