Kinumpirma ni President-elect Donald Trump na plano niyang magdeklara ng national emergency sa border security at gamitin ang US Military para magsagawa ng mass deportation ng mga undocumented migrants.
Ipinangako ni Trump na i-deport ang milyun-milyong indibidwal at patatagin ang border ng Mexico matapos ang mga naitala na bilang ng mga migrante na ilegal na tumawid sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Joe Biden.
Bago ito, una nang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na magiging safe ang mga Filipino migrants kahit ipatupad ang malawakang deportasyon.
Nasa 200,000 undocumented Filipinos na rin aniya kasi ang naghain na ng petisyon para sa permanent residency status.