Walang katiyakang mabibigyan ng tig-1,000 pesos na buwanang social pension ang may 6,000 waitlisted indigent senior citizens dahil sa kawalan ng pondo para rito sa susunod na taon.
Ito ang inamin ni Senator Imee Marcos sa deliberasyon ng 2025 proposed budget ng department of social welfare and development.
Ayon sa presidential sister, posibleng umakyat sa 800,000 ang waitlisted indigent senior citizen.
Sa kanyang interpellation, ipinarating ni Senador Loren Legarda ang reklamo ng ilang lolo’t lola na hanggang ngayon ay hindi pa nakakatanggap ng cash assistance na mina-mandato sa ilalim ng expanded senior citizens act of 2022.
Kinumpirma naman ito ng DSWD sa pamamagitan ni marcos kung saan noong 2023 pa lamang anya ay 490,000 senior citizens ang hindi nakatanggap ng pensyon dahil sa problema sa budget.
Bukod naman sa mga waitlisted o mga senior citizen na hindi pa nakakatanggap ng pension ay mayroon ding mga nakatanggap na pero natigil.