Nasermunan ni Deputy House Majority Leader Erwin Tulfo ang Employers Confederation of the Philippines matapos ang pagtutol nito sa panukalang batas na oobligahin ang mga pribadong kumpanya na mag-hire ng mga persons with disabilities.
Batay sa house bill 8941 na inihain ni Cong. Tulfo ng ACT-CIS partylist at mga kasamang sina Rep. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap, Ralph Tulfo at Agri-partylist Rep. Wilbert Lee, kailangang mag-hire ng 2% ng workforce ng isang kumpanya na may 1,000 employees.
Kailangan ding mag-hire ng 1% ng workforce ang mga small businesses na mayroong 100 o mas kaunting empleyado.
Hindi pinalagpas ni Congressman Tulfo ang tila pagkontra ng resource person ECOP sa nasabing panukalang batas makaraang igiit ng tagapagsalita ng grupo na dagdag gastos sa employer kung oobligahing mag-hire ng PWD.
Ipinunto naman ng mambabatas na mag-ha-hire lamang ang employer ng PWD na kakayanin ang trabahong ibibigay at halimbawa nito ang may kapansanan sa paglakad na dapat ilagay sa front desk o office o mga I.T.