Nagpatung-patong na ang mga akusasyon laban kay Vice President Sara Duterte at sa ilang opisyal ng OVP at Department of Education.
Ayon ito kay Political Analyst Ronald Llamas, at ipinunto na dahil ito sa patuloy na pang-iisnab ng mga opisyal sa pagdinig ng kamara kaugnay sa usapin ng confidential funds.
Giit pa ni Llamas, dumarami na ang mga suspisyon ng mga kongresista dahil hindi anya masagot ng mga opisyal ang mga simpleng tanong sa pagdinig.
Matataandaang nagsasagawa ng imbestigayson ang House Committee on Good Government and Public Accountability upang alamin kung saan napunta ang confidential funds ng dalawang tanggapan noong 2022 at 2023 na siya namang pinamumunuan ni Vice President Duterte.- sa panulat ni Kat Gonzales