Inaasahang mas lalawak pa ang konstruskyon na ginagawa ng China sa pinagaagawang teritoryo sa bahagi ng West Philippine Sea.
Sinasabing apat na ulit ang posibleng ilawak pa ng itatayong airstrip ng China para sa People’s Liberation Army sa naturang rehiyon.
Maituturing itong masamang balita para sa mainit na sitwasyon sa pagitan ng Pilipinas, Vietnam at iba pang bansang may claim sa lugar.
Bagama’t patuloy ang ginagawang konstruksyon ay iginigiit ng China na ang kanilang ginagawang military infrastracture ay purely for defensive purposes lamang.
Sa ngayon ay may isang airfield na ino-operate ang China sa Woody Island sa Paracel Island Chain.
By Rianne Briones