Sinabon ni Senator Alan Peter Cayetano si Health Secretary Ted Herbosa sa budget deliberations ng Department of Health sa plenaryo.
Kaugnay ito sa kawalan ng aksyon ng DOH Sa ipinasarang mga health centers at lying-in clinics sa 10 Embo barangays na idineklarang bahagi ng Taguig City.
Ayon kay Senador Cayetano, hindi tinupad ni secretary Herbosa ang pangako nitong padadalhan ng mobile clinics at gamot ang mga Embo barangays nang ikandado ang mga ito ng Makati City local government.
Aminado ang mambabatas na inakala niyang magiging Solomon ang kalihim sa pagitan ng girian ng Makati at Taguig pero tila naging Pontio Pilato o naghugas kamay.
Nadisyama si Cayetano nang sagutin ito ni Herbosa na tumutulong ang Makati sa mga pasyente mula sa Embo barangays sa pamamagitan ng medical assistance to indigent patients na programa ng DOH.