Asahan na ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Department of Energy, posibleng tumaas ng P0.70-P0.90 ang kada litro ng gasolina; P0.70-P1.00 sa kada litro ng diesel, at P0.50-P0.70 sa kada litro ng kerosene.
Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang naturang price hike ay dala ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa datos ng US Energy Information Administration, ikatlo ang Russia sa pinakamalaking producer ng langis sa buong mundo noong 2023, na nakapag-produce ng labing-isang porsiyento ng kabuuang global oil production. - sa panulat ni Laica Cuevas