Muling ipinamalas ni Pasig City mayoralty aspirant Sarah Discaya, kilala bilang “Ate Sarah,” ang kanyang malasakit sa mga Pasigueño sa pamamagitan ng walang patid na serbisyong medikal at edukasyonal para sa mga residente ng lungsod.
Sa isinagawang medical mission noong Nobyembre 23 sa Karangalan Covered Court, Barangay Dela Paz, sa tulong ng St. Gerrard Charity Foundation at ng kanyang grupong Team Kaya This, libu-libong Pasigueño ang nabigyan ng libreng gamot, medical check-ups, dental services, eye check-up at salamin, laboratory tests, X-ray, at ECG.
Bukod dito, namahagi rin si Discaya ng wheelchairs, tungkod, at saklay para sa mga senior citizen at PWDs.
Nagbigay din ang grupo ng iba pang serbisyo gaya ng massage, haircut, manicure, at pedicure, habang ang “Kusina ni Ate Sarah” ay naghatid ng mainit na pagkain sa mga dumalo.
Kasabay nito, nagkaroon din ng pet vaccination para sa mga alagang hayop ng mga residente.
“Ang pangarap ko ay maibigay ang libreng serbisyong medikal sa lahat ng Pasigueño, lalo na sa mga senior citizen, para hindi na nila kailangang lumayo pa para magpagamot,” ani Ate Sarah.
Bukod sa medical mission, nagdaos din ang grupo ni Discaya ng youth forum sa MMI Building, Dr. Sixto Antonio Avenue, na nagbigay ng kaalaman sa mga kabataang Pasigueño ukol sa tamang pagboto, pagpili ng lider, at voters education bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.
Pinangunahan ito ng Pasig Smart Youth Movement at education team ng St. Gerrard Charity Foundation, na kinikilala si Discaya bilang convenor at benefactor.
Sa hindi matatawarang serbisyo ni Ate Sarah, kinilala ang St. Gerrard Charity Foundation bilang Outstanding Non-Government Organization of the Philippines sa Gawad Pilipino Lingkod Bayan Awards 2024 dahil sa patuloy nitong pagtulong sa mga mahihirap na pamilya at nasa laylayan ng lipunan.
Patuloy na pintutunayan ni Ate Sarah na siya ang ina ng Pasigueño, isang lider na inuuna ang kapakanan ng bawat residente ng lungsod.