Isang babae ang aktibong ibinahagi sa kaniyang Instagram account ang marangya niyang buhay ngunit mayroong mga tuntunin mula sa kaniyang asawa na kailangang sundin.
Kung ano ang mga ito, alamin.
Sa Instagram account ng social media influencer na si Soudi Al Nadak na mayroong 427k followers, makikita kung gaano ka-garbo ang lifestyle na mayroon siya sa Dubai.
Sunud-sunod kasi ang videos sa kaniyang profile na kung saan ay naka-display ang marangyang pamumuhay na mayroon sila ng kaniyang asawang milyonaryo.
Ngunit, may isang kakaibang video sa kaniyang account na mayroong caption na “Strict rules my millionaire husband has for me in Dubai.” Na nakakuha na ng 11.6m views, 300k likes, at 3,352 comments.
Ipinakita rito ni soudi ang rules na sinusunod niya mula sa kaniyang mister katulad ng “I can’t have a bag that doesn’t match my shoes” na kung saan ay ipinakita niya ang kaniyang mamahaling bag at sandals na magkapareho ng kulay.
Kabilang pa sa mga ito ang “The bills are his responsibilities, I don’t work,” “I never cook, we always eat out,” “My hair and makeup has to be done professionally daily,” at “No guy friends ever.”
Kahit pa pangarap ng ilan ang ganitong level ng financial stability, marami sa comments section ng partikular na video na ito ni Soudi ang nagpahayag ng negatibong sentimyento tungkol sa kaniyang buhay.
Ayon sa mga netizen, tila nakakulong ang misis sa isang golden cage at kahit gaano pa ka-sopistikada ang buhay nito ay malungkot at boring pa rin sa paningin ng iba. Ngunit mayroon din namang nagtanggol sa babae at sinabi na ‘she’s living the life’ at ang iba ay naiinggit lang dito.
Ikaw, ano ang gagawin mo kung ikaw ang mayroong milyonaryong partner?