Itinuturing ng National Security Council na seryoso ang lahat ng banta laban sa pangulo ng Pilipinas.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office, sinabi ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na anumang banta sa buhay ng pangulo ay kailangang beripikahin at ituring bilang usapin ng pambansang seguridad.
Mahigpit aniya silang makikipag-ugnayan sa mga law enforcement at intelligence agencies upang imbestigahan ang naturang banta, mga posibleng perpetrators o may kagagawan nito, at ang kanilang mga layunin.
Binigyang-diin pa ng kalihim na gagawin ng NSC ang lahat para ipagtanggol ang mga demokratikong institusyon ng bansa at proseso na kinakatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. – Sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)