Dinepensahan ni Senador Ronald Dela Rosa ang pagmumura ni Vice President Sara Duterte kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez sa isang online press briefing.
Nag-ugat ang maaanghang na pahayag ni VP Sara laban sa mga Marcos matapos ipag-utos ng kamara ang paglilipat sa Chief of Staff nito na si Atty. Zuleika Lopez sa Women’s Correctional mula sa detention facility sa Batasang Pambansa.
Ayon kay Senador Dela Rosa, tao lamang si VP Sara at sinumang nasa ganoong sitwasyon ay posibleng ganoon din ang maging reaksyon.
Nang tanungin naman kung makasisira ang mga naging aksyon ni VP Sara sa kanyang imahe bilang pangalawang pangulo, iginiit ng senador na ipinauubaya na niya ito sa publiko.