Iginiit ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na dapat unahin at tutukan ng mga opisyal ng gobyerno ang mga problemang nakaaapekto sa mga Pilipino.
Sa gitna na ito ng lumalalang away ng dalawang pinakamatataas na lider ng bansa kung saan nagbanta si Vice President Sara Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay SP Escudero, mayroong mga mas mahahalagang problema at usapin na dapat na unahin ang gobyerno.
Mas makabubuti aniya kung ang ibabaling na lamang ng mga ito ang kanilang atensyon sa pagresolba sa mga problema ng bansa sa halip na sa mga nangyayaring awayan sa pagitan ng government officials.
Sinabi pa ng lider ng senado na ang pabigla-bigla at nakababahalang asal ng bise presidente ay nagiging distraction, panggulo o nakakaapekto sa paggawa nito ng kanyang tungkulin bilang pangalawang pangulo ng Pilipinas. – Sa panulat ni Laica Cuevas