Itinuturing ng Department of Justice na “Self-confessed mastermind” Si Vice Pres. Sara Duterte.
Kasunod ito ng pahayag ng bise presidente na may kinausap na siyang papatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kapag mayroon masamang nangyari sa kanya.
Binigyang diin ni Usec. Andres na kahit pa bise-presidente si Duterte ay maaari itong sampahan ng kasong kriminal at administratibo.
Maliban dito, may kapangyarihan din aniya ang Office of the Ombudsman na disiplinahin si VP Sara o kaya’y gumawa ng kaukulang hakbang o imbestigasyon laban sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Iginiit pa ni Usec. Andres na tanging si VP Sara ang makikinabang sakaling maisakatuparan ang planong pagpatay sa pangulo.