Tila nanawagan na ng kudeta si dating pangulong Rodrigo Duterte laban kay Pangulong Bongbong Marcos na tinawag niyang drug addict.
Ito ang hamon ni Duterte sa Armed Forces of the Philippines kasabay ng apela sa military na protektahan ang konstitusyon.
Ayon sa dating pangulo, palpak ang pamamahala sa sa pilipinas ngayon at walang sinumang mag-tatama kay pangulong marcos o house speaker martin romualdez kundi ang militar lamang.
Tinanong din ni Duterte ang military kung ipagpapatuloy pa ba nito ang pagsuporta sa Marcos administration kung “drug addict” naman ang pangulo.
Ang hirit ng dating punong ehekutibo ay nag-ugat sa pagbatikos ng mga supporter ng kanyang anak na si vice President Sara Duterte na kasalukuyang nagtitipon sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City, kung saan naka-confine ang kanyang OVP Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez.