Iginiit ni Vice President Sara Duterte na wala na siyang inaasahang “Fair treatment” o patas na pag-trato mula sa pamahalaan.
Ginawa ng bise-presidente ang pahayag kasunod ng kanyang pagdalo sa pagdinig ng kamara kaugnay sa sinasabing kwestyunableng paggasta ng confidential funds ng OVP at Department of Education.
Kinwestyon ni VP Sara kung bakit nang lumabas ang usaping banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. ay isyu ito ng national security, ngunit nang siya ang makatanggap ng death threat ay pinagwalang-bahala lamang ito.
Samantala, handa naman aniya siyang sagutin ang mga katanungan ng National Bureau of Investigation, sakaling maihain na ang subpoena laban sa kanya. – Sa panulat ni Laica Cuevas