Kumbinsido si Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na may problema na sa pag-iisip si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ito’y matapos ang mga banta ng bise presidente kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Pinayuhan ni Secretary Gadon si VP Duterte na komunsulta sa doktor at itigil na ang mga paratang na political persecution ang ginagawa ng kongreso at administrasyong marcos laban sa kanya.
Aminado ang kalihim na hindi kailanman nangyari sa isang nakaupong bise presidente ang magmura, magbanta na papatay o mananakit at bastusin ang kapwa institusyon ng gobyerno.