Kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte ang Presidential Security Command dahil sa aniya’y pananahimik nito sa kabila ng ilang beses na banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.
Kasunod ito ng pahayag ng PSC na pinaigting nito ang seguridad ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. matapos ang bantang pagpatay ni VP Sara sa pangulo sakaling may mangyaring masama sa kanya.
Ayon sa bise-presidente, patunay lamang ang pagkakasama ng Vice President Security and Protection Group sa PSC para maimpluwensyahan ng Office of the President ang ilalatag na seguridad para sa kanya.
Una nang sinabi ng pangalawang pangulo na may mga pagbabanta laban sa kanya at sa kanyang mga tauhan, ngunit itinanggi ng National Bureau of Investigation na nakatanggap ito ng intelligence information kaugnay sa sinasabing death threat. – Sa panulat ni Laica Cuevas