Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang hirit ng ilang taxi operators na itaas ang kasalukuyang flag-down rate na 50 pesos sa 60 pesos.
Ito ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ay dahil ilang factors na dapat isaalang-alang, kabilang na rito ang epekto nito sa inflation.
Dagdag pa ni Chairman Guadiz, sa pagtaas ng flag-down rate, kailangan munang matukoy ng pamahalaan ang mga posibleng epekto nito sa ekonomiya kabilang ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Mababatid na itinaas na ng LTFRB ang flag-down rate sa mga taxi sa sinkwenta pesos mula sa dating kwarenta pesos. – Sa panulat ni John Riz Calata