Balak ng MERALCO na ibaon sa lupa ang mga kable ng kuryente sa susunod na limang taon upang maiwasang mapinsala ang mga ito sa gitna ng lumalalang urbanisasyon sa kanilang franchise area.
Ipinaliwanag ni MERALCO Chief Operating Officer Ronnie Aperocho na hindi lamang problema sa “spaghetti wires” ang matutugunan sa naturang plano kundi pa na rin maiwasan ang masamang epekto ng mga bagyo.
Gayunman, kailangan pa ng approval ng energy regulatory commission lalo’t malaking puhunan ang igugugol ng naturang power distributor na ipapasa naman sa mga consumer.
Iginiit ni E.R.C. Chairperson monalisa dimalanta na kailangan pang pag-aralang maigi ang mga ganitong uri ng big-ticket porject upang mabatid kung rasonable ito.