Sa panahon ngayon, nagiging biruan na sa mga magkakaibigan ang pagtatanong sa isa’t-isa kung kailan sila ikakasal. Pero ang isang brazilian woman, absent sa kasal ng kaniyang best friend dahil sa unhealthy na……. Handa?
Kung bakit, alamin.
Isang matalik na magkaibigan ang nagkaroon ng tampuhan dahil sa desisyon ng isa sanang bridesmaid na si Tiele Azambuja na hindi um-attend sa kasal ng kaniyang best friend.
Si Tiele ay isang bodybuilder at fitness influencer at natural sa kaniya na maging conscious sa shape ng kaniyang katawan at sa kaniyang food intake.
Kaya naman kahit ang kasal ng kaniyang hindi pinangalanang best friend ay hindi niya hinayaan na makaapekto sa kaniyang strict diet.
Sa isang pahayag, sinabi niya na seryoso siya sa kaniyang lifestyle at alam niya na maraming pagkain na puno ng carbs at sugar ang inihain sa kasal.
Dahil dito, naisipan niya na mag-request na sana ay mayroong healthy food sa menu ngunit inalmahan ito ng bride.
Dahil nagkasundo kung kaya’t tumanggi si Tiele na maging bridesmaid sa kasal dahilan para magkaroon sila ng tampuhan.
Kwento pa ni Tiele, nangatwiran pa raw ang bride na hindi makakaapekto sa kaniya kung hindi siya magbabaon ng pagkain dahil kumakain naman daw siya kada tatlong oras.
Gayunpaman, nanatiling buo ang desisyon ni Tiele na huwag nang dumalo kahit pa ito ay isa sa pinaka-importanteng kaganapan sa buhay ng kaniyang best friend dahl hindi niya kayang isakripisyo ang isang araw na ito para sa figure na ilang taon niyang pinaghirapan.
Ikaw, gagawin mo rin ba ito sa’yong kaibigan kung ikaw ang nalagay sa kaparehas na sitwasyon?