Aabot sa mahigit dalawang libong magsasakang Agrarian Reform beneficiaries mula sa mga lalawigan ng Albay; Catanduanes; Masbate at Sorsogon ang hindi na sisingilin ang utang sa kanilang lupang pang-agraryo na hinuhulugan matapos itong ipamahagi sa kanila ng Department of Agrarian Reform.
Ang nasabing inistyatiba ay bahagi ng condonation na tuloy-tuloy nang isinasagawa ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Agrarian Reform Regional Director Reuben Theodore Sindac, ipinamahagi ang may 2,931 certificates of condonation with release of mortgages o sertipikasyon bilang patunay na binubura na ang utang.
Aabot anya sa mahigit 88 milyong piso ang halaga ng nasabing condonation.
Idinaos ang aktibidad sa pangunguna ni Senadora Imee Marcos sa Legazpi City Convention Center.