Naniniwala si Vice President Sara Duterte na hindi na sila magkaka-ayos ni Pangulong Ferdinand Marcos jr.
Sa press briefing sa Office of the Vice President Western Mindanao Satellite Office sa Zamboanga, sinabi mismo ni VP Sara na nais ng kasalukuyang administrasyon na tanggalin siya sa pwesto.
Iginiit pa ng bise presidente na nais ni Speaker Martin Romualdez ang kanyang posisyon.