Dinepensahan ni Senador Ronald Dela Rosa si dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa panawagan nitong pagkilos ng militar.
Ayon kay Senador Dela Rosa, hindi seditious ang sinabi ng dating pangulo dahil wala anya itong binanggit na magkudeta kayo o atakihin ang Malacañang.
Paliwanag pa ng senador, ipina-alala lamang ni dating pangulong Duterte sa militar ang kanilang papel sa bansa na ipagtanggol ang konstitusyon.
Trabaho anya ng Armed Forces of the Philippines na panatilihin ang katatagan ng bansa at hindi ito i-destabilize.
Una rito, sinabi ng dating pangulo na militar lamang ang maaaring magtama ng anyang “Fractured governance” sa bansa.