Patuloy na bumaba ang bilang ng mga namamatay dahil sa leptospirosis sa kabila ng pagtaas ng kaso ng naturang sakit ngayong taon.
Sa datos ng DOH, naitala ang mahigit pitong libong kaso ng leptospirosis hanggang noong Nobyembre 23.
Mas mataas ito ng 19% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Gayunman, mas mababa ang case fatality rate ngayon taong na 9.12%, kumpara sa 10.83% noong 2023.
Binigyan-diin ng DOH na ang mas maagang konsultasyon at tamang paggamit ng prophylaxis ang dahilan ng pagbaba ng mga namamatay.
Muli namang nagpaalala ang ahensya sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay at katawan gamit ang sabon at tubig matapos ang exposure sa baha upang maiwasan ang impeksyon. - sa panulat ni Kat Gonzales