Nilinaw ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group na hindi “swap” ang pagpapa-deport kay Hector Pantollana, na naaresto sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot sa billion-pesos investment scam.
Ayon kay CIDG Director BGen. Nicolas Torre III, ang pagkakaaresto kay Pantollana ay resulta ng magandang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesian National Police.
Giit pa ni BGen. Torre, wala silang natanggap na opisyal na sulat hinggil sa sinasabing palit-ulo sa isang Indonesian fugitive na nasa Pilipinas.
Matatandaang, ipina-deport ng Pilipinas ang Indonesian national na sangkot sa scamming activities at naaresto sa sinasabing POGO hub sa Bataan. - sa panulat ni Kat Gonzales