Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos jr., na sa kanya galing ang kumalat na text messages kung saan inihihirit niya sa kongreso na huwag nang maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang ambush interview sa Quezon, sinabi ni PBBM na dapat ay isang pribadong komunikasyon lamang iyon ngunit wala na aniya siyang magagawa dahil kumalat na ito, at ito rin ang kanyang opinyon sa nasabing usapin.
Binigyang-diin pa ng Pangulo, na distraction lamang ito at walang maitutulong na mabuti sa buhay ng mga Pilipino.
Giit pa ng presidente, masyadong mabusisi ang impeachment at uubusin lamang nito ang oras ng kamara at senado.
Samantala, ‘never say never’ naman ang naging sagot ng Pangulo sa tanong ng media kung magkakabati pa sila ni VP Sara o hindi na. – Sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)