Tikom ang bibig ni Senador Imee Marcos hinggil sa nagpapatuloy na political tension sa pagitan ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kaibigan na si Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ng senador na mas makabubuting hindi na lamang siyang magsalita upang hindi na makadagdag pa nasabing gulo.
Isa anya ito sa mga dahilan kung bakit siya nagdesisyon na hindi makapag-alyansa kung kanino man sa kanyang muling pagtakbo sa 2025.
Humiling din ng dasal sa publiko ang senador para sa ikaayos ng dalawang matataas na lider ng bansa. – Sa panulat ni Kat Gonzales