Ikinaalarma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang napaulat na may nakitamg Russian attack submarine sa karagatan ng Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakababahala ang anumang panghihimasok sa teritoryo ng bansa.
Tumanggi naman ang presidente na talakayin pa ang usapin at sa sa halip ay ipinaauubaya na aniya sa militar ang usapin.
Batay sa ulat, kinumpirma ng ilang security sources ang paglutang ng sasakyang pandagat ng Russian Navy sa layong 148 kilometers kanluran ng Occidental Mindoro noong Nobyembre 28 at sinasabing galing ito ng Malaysia. Sa panulat ni Kat Gonzales