Nanindigan ang Philippine National Police na hindi makikipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng International Criminal Court kaugnay sa drug war ng nakaraang administrasyon.
Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, matapos ang pahayag na paghingi ng ICC ng dokumento na may kinalaman sa drug war ng administrasyong Duterte.
Nagsalita na aniya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makikipag-tulongan ang gobyerno ng pilipinas sa imbestigasyon hinggil sa isyu.
Nilinaw din ng PNP Official na hindi nila pipigilan ang sinumang indibidwal na makikipag-cooperate sa ICC bilang testigo.
Matatandaang hinimok ng ICC ang ilang indibidwal na may kinalaman sa war on drugs ng nakaraang administrasyon na makipag-ugnayan sa kanila. – Sa Panulat ni Jeraline Doinog