Dapat na papanagutin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman sa nadiskubreng nabubulok na bigas na laan sana para sa mga biktimang ng bagyong Yolanda sa Leyte.
Ayon kay Anakpawis Partylist Representative Fernando Hicap, malinaw na kapabayaan sa parte ni Soliman kaya’t nangyari ang pagkasira ng mga bigas.
Malayo aniya ang mararating ng 284 na kaban ng bigas kung hindi ito naiwan lamang at pinabayaan sa DSWD Regional Office.
Una nang sinabi ni Soliman na human error kaya’t hindi naipamigay ang nasabing mga bigas.
By Rianne Briones