Ang isa sanang masayang Christmas-themed stage play performance sa Canada, nauwi sa isang trahedya. Dahil ang isang aktor, biglang binawian ng buhay habang nagpe-perform.
Ang buong kwento, alamin.
Nitong Nobyembre a-bente kwatro sa Edmonton, Alberta, Canada, bigla na lamang nagkaroon ng medical emergency ang singkwenta’t nuwebe anyos na theater actor na si Julien Arnold.
Mula sa isang social media post ng punctuate theater kung saan ang asawa ni Julien na si Sheiny Satanove ay isang managing director, sinabi nito na pumanaw ang aktor habang nagpe-perform para sa “A Christmas Carol” sa citadel theatre.
Ayon sa isang report, sinubukan pa ng mga paramedic isalba ang buhay ni Julien ngunit binawian din ito ng buhay doon mismo sa teatro, kung saan hindi pa rin matukoy kung ano ang naging sanhi ng kamatayan nito.
Ayon sa isang pahayag ng Citadel Theatre sa kanilang social media account, ang kasalukuyang season ng “A Christmas Carol” ay idini-dedicate nila sa yumaong actor.
Si Julien ay isang beteranong aktor na gumanap na sa maraming stage plays katulad ng this Wizard of OZ, Beauty and the Beast, at “A Midsummer Night’s dream.”
Samantala, nagsagawa naman ang Punctuate Theatre ng fundraising activity para sa naulilang misis ni Julien na si Sheiny bilang tulong sa pagbabayad ng renta, groceries, at funeral services.
Ikaw, anong masasabi mo sa masalimuot na kwento na ito?