Aabot na sa halos apat na libong kandidato para sa 2025 midterm elections ang nagpa-rehistro ng kanilang social media accounts sa Commission on Elections.
Sa datos ng COMELEC, sa nasabing bilang ay dalawampu’t apat ang senatorial bets, halos tatlong libo at walong daan ang local aspirants, habang mahigit isandaan ang kinatawan para sa party-list organizations.
Kaugnay nito, mahigit dalawang libong aspirant din ang nagpasa ng hard copies.
Una nang itinakda ng COMELEC ang deadline para sa registration ng online campaign platforms sa susunod na linggo, a-trese ng disyembre at hindi na ito palalawigin pa.
Batay sa COMELEC Resolution No. 11064, lahat ng official social media accounts na gagamitin ng mga kandidato ay dapat ipa-rehistro sa comelec education and information division sa loob ng isang buwan matapos ang paghahain ng certificate of candidacy. - sa panulat ni Laica Cuevas