Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang ikakasang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo bilang pagtutol sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nakikipagtulungan na sila sa pulisya at sa local government units, para matiyak na mananatiling passable ang mga kalsada para sa mga motorista.
Makikipag-ugnayan din aniya sila sa organizer ng rally ng religious group upang hindi makaabala ang mga raliyista sa pagmamando sa trapiko.
Samantala, wala pang impormasyon ang MMDA kaugnay sa lokasyon at rutang dadaanan ng kilos-protesta ng INC. - sa panulat ni Laica Cuevas