Aminado si Senate Committee on Way and Means Chairman Sherwin Gatchalian na mga kawani mismo ng mga local government unit ang nagbebenta ng mga pekeng persons with disability identification cards.
Ito ayon kay Senador Gatchalian, matapos mapag-alamang may 8.5 million na pekeng PWD ID ang na-produce sa bansa.
Sinabi rin ni Senador Gatchalian sa DWIZ, na nasa 88 billion pesos ang nawawalang pera sa kaban ng bayan dahil hindi nagbabayad ng buwis ang mga may-ari nito.
Dahil dito, gumagawa na aniya ng paraan ang pamahalaan upang mapanagot ang sinumang sangkot sa nasabing iligal na aktibidad.