Kadalasang nakikita sa mga museum o itinatabi para gawing koleksyon ang mga makasaysayang kagamitan ng mga taong mayroong malaking kontribusyon sa ating nakaraan. Ngunit, kamakailan lang ay ipinagbili ng pamilya ni Rizal ang isa sa kaniyang mga obra.
Ang buong kwento, alamin.
Sa isinagawang auction kamakailan sa Leon Gallery sa Makati, kabilang sa mga ibinentang kagamitan at art pieces na may kaugnayan sa mga Filipino hero ay ang “Josephine Sleeping.”
Ito ay ang pigura ng natutulog na nakarelasyon ni Jose Rizal na si Josephine Bracken na kaniyang iniukit habang nakakulong siya sa Dapitan.
Sinabi ng direktor ng Leon Gallery na si Jaime Ponce de Leon na bukod sa pagiging representasyon ng nasabing sculpture ng huling pag-ibig ng pambansang bayani, isa rin daw itong obra na kaniyang ginawa dahil sa pagmamahal.
Ang “Josephine Sleeping” daw na pinakahuling nilikha ni Jose Rizal bago ito pumanaw ay ipinabenta ng mga apo ng kapatid ng bayani na si Narcisa Rizal at mayroong initial bidding price na 5 million Pesos.
Bukod pa riyan, kabilang din sa mga art pieces na isinama sa auction ay ang obra ng national artist na si Guillermo Tolentino na “Bonifacio Bust,” pati ang nasabing huling seal na ginamit daw ng Katipunan sa mga importanteng dokumento na mayroon namang 1.5 million Pesos na initial bidding price.
Ikaw, anong masasabi mo sa makasaysayang kwento na ito?