Mahigit 400 mula sa 677 nakalistang recipient ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte, ang natuklasang walang birth record sa Philippine Statistics Authority.
Ito ang isiniwalat ni House Committee on good Government and Public Accountability Chairman at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, sa huling pagdinig hinggil sa paggastos ng confidential funds ni VP Sara.
Una nang kinumpirma ng PSA na wala sa kanilang database ang pangalan na mary grace piattos at Kokoy Villamin, na kapwa nakapirma sa acknowledgment receipts na isinumite ng OVP at DEPED.