Inabuso umano ang mga butas ng Commission on Audit-Department of Budget and Management Joint Circular 2015-001 sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
Ito ang inihayag ni 1-rider Party-List Rep. Ramon rodrigo “Rodge” Rodriguez sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ayon kay Congressman Gutierrez, sinamantala ng ilang opisyal ng OVP at DEPED ang mga butas at sa katunayan ay nilabag ang joint circular 2015-001.
Mahirap anya itong problema, lalo’t pera ng taong bayan ang pinag-uusapan peto kung hindi batid ng mga mamamayan ang mga butas at paglabag, walang aasahang pagbabago.
Inilahad ni Gutierrez kung paanong ang mga paglabag sa joint circular 2015-001 ay nagpapakita ng isang sinadyang layunin na itago ang paggamit ng mga confidential funds, at binigyang-diin niya na ang mga pondong ito, na inilaan para sa mga sensitibong layunin, ay naging mga kasangkapan ng pang-aabuso.
Idinetalye rin ng kongresista kung paanong inamin ni DEPED Special Disbursing Officer Edward Fajarda na ine-encash niya ang 37.5 million pesos bawat quarter, pero wala siyang alam kung paano ginamit ang mga pondo matapos itong ipasa sa mga security officers.