Isang litrato ng pamilya ang kumalat sa social media at nakatanggap ng batikos at samu’t-saring komento dahil daw hindi kamukha ng mga bata ang kanilang mga magulang?
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Taong 2012 nang mag-viral ang picture ng isang pamilya sa social media kung saan ay makikita na hindi maipagkakailang hindi kamukha ng mga bata ang kanilang mga magulang.
Dahil sa pagkalat ng litrato na mayroong caption na “The only thing you’ll ever have to worry about is how to explain it to the kids,” ay ginawan ito ng mga tao ng kuwento na ang nanay sa litrato ay retokada.
Ngunit, ang totoo pala ay isa lamang itong advertisement para sa isang cosmetic clinic. Pero binigyang permiso ng ad agency na gumawa nito ang ibang plastic surgery clinic na gamitin din ang litrato.
Matapos nito ay iniugnay ang nasabing picture sa isang lumang kuwento na kung saan ay idinemanda ng lalaki ang kaniyang asawa matapos niyang madismaya sa itsura ng kanilang baby, at umamin din ang babae na siya raw ay nagparetoke para gumanda.
Taong 2015 naman nang magsalita ang gumanap na nanay sa viral family picture na si Heidi Yeh na isang modelo. Sinabi niya na hindi niya raw akalain na kakalat ang picture at magkakaroon pa ng mga gawa-gawang kwento. Isiniwalat niya rin dito na edited ang mukha ng tatlong bata.
Matindi raw ang naging epekto ng fake news na iyon sa career ni Heidi at maliliit na roles na lamang daw ang nakuha niya sa mga advertisement dahil dito at hindi raw siya pinaniwalaan ng mga tao na hindi siya retokada.
Nagkaroon pa noon ng banta si Heidi at ang ad agency na magsasampa ng kaso sa isa’t isa.
Makalipas ang ilang taon simula ng kontrobersiya, nag-iba ang buhay ni Heidi. Naging office worker siya kung saan kinuha siyang modelo ng mga inilabas nitong posters, at ngayon ay isa na siyang ganap na nanay.
Ikaw, magpapadala ka rin ba sa mga kuwentong nakikita mo sa social media?