Iginiit mismo ni Vice President Sara Duterte na hindi siya umiiwas sa mga tanong ng mga mambabatas hinggil sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
Ayon sa Bise Presidente, malinaw na ‘political attack’ ang gingawa sa kanya ng Kamara.
Nanindigan din si VP Sara na hindi siya magbibigay ng anumang paliwanag kaugnay sa paggastos ng confidential funds ng kanyang tanggapan at DEPED.
Kinuwestiyon naman ni VP Sara kung bakit hindi iniimbestigahan ang Office of the President kaugnay ng paggastos nito sa confidential funds.
Batay sa report ng Commission on Audit, lumabas na na ang nasabing tanggapan ang may pinakamalaking gastos ng confidential at intelligence funds noong nakaraang taon.