Inamin ni Vice President Sara Duterte na inalok sya ng kanyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte na sagutin ang pagkuha ng mga abogado na humahawak sa inihaing impeachment complaint ng kongreso laban sa kaniya.
Gayunman, sinabi ni VP Sara na tinanggihan niya ang alok ng kaniyang ama dahil napaghandaan na anila ang impeachment case.
Matagal na aniya ito napaghandaan matapos ang walang tigil na pag-atake sa kaniya ng kongreso kabilang na rito si Act Teachers Party-List Representative France Castro.
Sa ngayon dalawang reklamo ng impeachment na ang isinampa laban sa kaniya sa Kamara.